Yung lalakeng marunong mag-effort kahit busy siya. ❤
Pag famous: 20 notes kunti pa yun para sakanila.
Pag unfamous: 5 notes marami na yun para samin.
Ang girlfriend nirerespeto, pinapahalagahan at hindi ginagawang PANG DISPLAY lang.
Yung lalaking ico-comfort ka at ipapaalala sayo na andiyan lang siya lagi para sayo at hindi ka niya iiwan…
Kapag malungkot ka at gusto mo nang umiyak, ipaparamdam niya sayo na lagi lang siyang nasa tabi mo para pasayahin ka at punasan ang mga luha mo kung sakali mang hindi mo na kayang pigilan pa ito. Siya din yung lalaking handang makinig sayo maski gaano man ka-drama ang sasabihin mo. Maski kapag natatakot at kinakabahan ka, ipaparamdam pa din niya sayo na hindi ka niya papabayaan. Hindi niya hahayaang matakot at kabahan ka. Papagaanin niya ang loob mo at ipapakita niya na susuportahan ka niya kaya wala ka na dapat pang ikatakot at ikakaba pa. Basta hindi ka niya iiwan, andiyan lang siya para sayo at sa bawat halik niya sa noo mo, ipaparamdam niya sayo na hindi ka nag iisa dahil makakasama mo siya lagi. Kaya wag ka nang mag alala pa, hindi ka niya papabayaan anu man ang mang yari.